Linggo, Setyembre 13, 2015
Gusto
Isang sakit na kumakalat ngayon sa facebook. Mga taong gagawin lahat kahit mag mukha na silang tanga makapanlimos lang ng iilang likes. Mga taong pati pagkuha ng litrato kita na yung kaluluwa para dito. Mga taong pilit itinataas ang sarili gamit ang ibang tao. Yung iba tila kakandidato pa, iniisa isa yung mga taong nag like nung ipinaskil niya dun sa kanyang pader o kaya naman sa litrato. Ngunit sa lahat ng gumagawa nito ang pinaka ayaw ko ay yung ginagamit yung isang litrato ng isang taong nakakawa o kaya nama'y gagamitin si Jesus para lang sa likes. Jusko. Sana makahanap na sila ng gamot sa sakit na ito. Hit like po. Salamat.
Sariling Musika
May pag asa pa ba?
Kung ang parati mong naririnig sa radyo'y "Wag kang pabebe" o kaya nama'y kanta ng mga dayuhan. Mas nabibigyang pansin pa ngayon yung mga taong malalakas ang apil ngunit wala namang mga boses kaysa doon sa mga taong pinagpala sa pagkanta medyo dehado lang sa itsura. Pano ka ba makinig ng musika? Pinapakinggan ng mata at nakikita ng tenga? Hindi ko naman sinisisi ang mga produsyer ng mga kantang to. Alam ko din namang sumusunod din lang sila sa uso. Syempre, pag bobo ang demand, bobo din ang supply.

Taong Lobo
Sa loob ng isang organisasyong tila lahat ng kaanib ay tila tupa. Hindi lahat ng nakikita ng ating mata ay totoo. Maaaring nakataklob lang sila ng balat ng tupa ngunit sa ilalim ng mga ito ay nagtatago ang isang mabangis na lobo. Hindi ko kayang gawin ang ginawaga nila. Siguro'y naiinitan ako sa kapal ng balahibo ng tupa o kaya nama'y hindi lang ako komportableng suot ito kasama sila.
Pagkain
Ilang gabi na din silang hindi kumakain. Hindi din sila makaalis ng bahay sapagkay may halimaw na umaaligid. Madami nang sumubok ngunit ni isa sa kanila'y walang nakabalik. Hindi na kayang makita ni Jose na nagugutom ang pamilya nya kaya naglakas loob siyang maglakbay at maghanap ng pagkain. Malalim na ang gabi ng mapagpasyahan nyang umalis, inaasahang kakampihan siya ng dilim laban sa halimaw. Dahan dahan siyang naglalakad sa dilim, tinitignan ang bawat kanto para makaiwas sa halimaw. Ilang oras na din siyang naglalakbay. Sa wakas, nakakita na din siya ng pagkain. Nasa loob ng isang makintab na bagay. Sa isip isip niya, hindi naman pala ganoong kadelikado. Hindi man lang niya nakita ang halimaw. Dahan dahang siyang lumapit sa pagkain. Sa akmang pagkuha niya ng pagkain bigla siyang may narinig sa kanyang likuran. Tila nasa bunganga siya ng isang halimaw na may makintab na ngipin.
"Ma, Ma!" sigaw ni Angelo.
"Oh ano yon anak" tugon ng ina.
"Ang laki ng daga oh".
"Ma, Ma!" sigaw ni Angelo.
"Oh ano yon anak" tugon ng ina.
"Ang laki ng daga oh".
Mag-subscribe sa:
Mga Komento (Atom)